Huwebes, Disyembre 19, 2013

SMILE Though you're heart is ACHING...

Ano ba ang ginagawa natin kapag meron tayong Free Time? Kumakain? Nagpapahinga? Natutulog? Iniisip ang mga Problema? Bawat tao iba-iba ang ginagawa sa mga oras na bakante sila... Minsan may mga taong ayaw magkaroon ng Free Time. Bakit? Kasi dun dumadating yung point na wala silang magawa, bigla nalang nila maiisip yung mga problema nila. Sino ba naman ang walang problema?

 'Yang katabi mo na nakangiti habang nasalpak yung headset sa tenga, akala mo masayang Music ang pinakikinggan niya? Mali ka, Love Song yun, sabihin na nating Theme Song nila nung EX niya na hanggang ngayon hindi niya pa din nakakalimutan. Ngumingiti siya kasi naaalala niya yung mga oras na masaya sila, yung mga oras na hindi niya na maibabalik. Mamaya kapag mag-isa nalang yan. Bigla nalang yan iiyak.

E yung kaharap mo na may kausap sa Cellphone na tumatawa? Tsk, try mong pakinggan yung mga sinasabi ng kausap niya, Asawa niya yun, sinasabi na hindi na siya uuwi. Na iiwan na siya, kasi nakahanap na siya ng iba. Yung mas sexy at mas bata pa sa kanya.

Yung mga magka-kaibigan na maingay at nagta-tawanan? Yung isa sa kanila diyan may problema sa pamilya, naglalabas lang ng stress sa mga kaibigan niya.. Mamaya pag-uwi niyan sa kanila, dadatnan niya na naman yung bahay nilang maingay, Nanay at Tatay niyang nag-aaway.. Iisipin niya na naman na bumalik sa mga kaibigan niya..

May mga kanya-kanya tayong way para mag-tago at magpanggap sa mga nangyayari at pinag-dadaanan natin sa buhay.. Kasi minsan mas pinipili pa natin mag-Panggap na OKAY LANG AKO  sa harap ng ibang tao, kasi natatakot tayong ipakitang mahina tayo.. Hindi naman masamang ipakita na mahina ka eh. Kailangan mo lang ng taong makaka-intindi sayo, taong masasandalan mo, taong makakausap mo sa oras ng down na down ka.. 'Wag kang mahiya na lumapit sa mga taong malapit sayo, kasi minsan hinihintay lang nila na lumapit ka sa kanila... ^_^

Problem is a part of life, if you don't have problem's.. well i think you're not normal.. ^_^

Lunes, Disyembre 16, 2013

Pamilya

PAMILYA...

Sila yung masasandalan mo kapag kinalimutan ka na ng BUONG MUNDO.. Sila yung maiintindihan ka kapag hinusgahan ka na ng mundo, pwede mong iyakan, at pwede mong sandalan... Sa kanila mo mararamdaman ang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng ibang tao.. 


MAGULANG...

Mga taong simula nang matuto kang maglakad ay nandiyan na at naka-alalay sayo, nag-aabang kung sakaling matumba ka ay itatayo ka nila at sasabihing "Ayos lang yan, basta sa susunod matuto ka na".. Ibibigay ang gusto mo kahit na alanganin pa, Sila ang nagmamahal ng totoo sayo... Ang iyong AMA at INA..

KAPATID...

Sila man na lagi mong nakaka-away, nakaka-samaan ng loob.. Away-bati sa madaling salita, pero kapag may problema ka, Ate man o Kuya, pwede mong sabihin sa kanila, dadamayan ka niyan sa abot ng kanilang makakaya... Magkaka-iba man kayo ng ugali, may mga bagay din kayong pagka-kasunduan. Masaya ang maraming kapatid, maingay, magulo pero hindi ka maboboring.. ^_^

KONTRABIDA...

Akala ninyo sa mga Drama at Pelikula lang meron nito? Nagkakamali kayo, dahil sila yung mga dahila kung bakit nasisira yung KASIYAHAN sa isang pamilya, minsan sila pa yung nagiging dahilan para talikuran ng isa ang mga taong nakasama na ng ilang taon... Nakakalungkot isipin na sa pag-exists nila sa buhay ng isang PAMILYA ay mapalitan ang KASIYAHAN ng KALUNGKUTAN...